HINDI maitago ang pagkadismaya ni 1st District Davao City Councilor Temujin “Tek” Ocampo sa mga nagaganap na hakbang para sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Aniya, hindi lamang ang kaniyang mga kababayan sa Davao City kundi maging ang buong Mindanao ay hindi natutuwa rito.
Sinabi ni Ocampo na malinaw na ang impeachment case laban kay VP Sara ay isang political harassment at walang basehan.
Dagdag pa niya, matagal nang na-liquidate at napatunayang ginamit nang tama ang isang P125M na intelligence fund laban sa bise.
“Ang sa kanila lang naman bakit hindi nila itinatanong ang bilyon-bilyong kanilang inilulustay. Bakit itong kay Sara napakaliit? Ginagawa lang ng paraan ‘yan para to eliminate the vice president because she is a very strong contender in the coming 2028 elections,” pahayag ni Councilor Temujin “Tek” Ocampo, 1st District, Davao City.
Ayon pa kay Ocampo, malinaw na may layunin ang ilang grupo na sirain si VP Sara dahil isa itong malakas na katunggali sa nalalapit na 2028 presidential elections.
Binigyang-diin din ng konsehal ang tila pagwawalang-bahala ng gobyerno sa isyu ng korapsiyon sa bansa.
“Alam mo hindi lang sa pulitika ko nakasama si Vice President Sara Duterte, nakasama ko iyan sa trabaho sa media talent namin iyan sa GMA before so kilala ko iyan simula nang hindi pa siya public official I know her. (connect) Walang korapsyon, pwede kong itaya ang career ko for the vice president na ‘yung kanyang credibility ay hindi matatawaran and kanyang tunay na makabayan inuuna niya talaga ang mga tao,” giit ni Ocampo.
Masaya naman si Ocampo na naantala ang impeachment proceedings dahil sa adjournment ng Senado hanggang Hunyo.
Nagbigay rin ng komento ang konsehal sa kasalukuyang estado ng ekonomiya ng bansa. Ayon sa kaniya, napakaayos ng pamamalakad ni VP Sara Duterte noon bilang alkalde ng Davao City.
“During the time of the Vice President as Mayor of Davao City, napakaganda ng takbo ng kalakalan sa Davao City. The service of government services ay napakataas ng kalidad. Everybody is happy. Davao City is safe and it reaps awards left and right at the most livable city, child-friendly city, best Davao City police office, you name it. Halos lahat ng award nandiyan,” ayon pa kay Ocampo.
Sa huli, umaasa si Councilor Ocampo na kikilos ang Korte Suprema para siyasatin ang mga iregularidad sa 2025 National budget.