NADAGDAGAN pa ang mga lugar na nagdeklara sa social drag artist na si Pura Luka Vega bilang persona non grata matapos ang kaniyang remix version ng Ama Namin o The Lord’s Prayer.
Ito ay matapos, unanimous ang suporta ng konseho ng Maynila sa pagpapatibay nila ng resolusyon na nagdeklara kay Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay bilang persona non grata.
Ayon sa Manila City Council, pambabastos ang ginawa ni Pagente.
Saad ni 5th District Councilor Jaybee Hizon, hindi dapat gamitin ang freedom of expression para mang-insulto o manakit ng damdaming pang-relihiyon ng kapwa.
Matatandaan, na una nang idineklarang persona non grata si Pagente sa General Santos City, Floridablanca sa Pampanga at Toboso sa Negros Occidental.