PINAMAMADALI ng Department of Agriculture (DA) ang konstruksiyon ng mga pasilidad na kinakailangan para mabawasan ang epekto ng La Niña sa agri sector.
Tugon ito sa tansya ng state weather bureau na aasahan ang La Niña ngayong Oktubre hanggang Enero 2025.
Sinabi ng ahensiya, nasa P10-B ang budget ng National Food Authority (NFA) para sa pagpapagawa ng drying facilities.
Samantala, para sa mga magsasaka na maapektuhan ng La Niña, mayroon anilang P1-B na quick response fund ang DA.