Konstruksiyon ng kauna-unahang pagawaan ng steel beam sa bansa, balik-operasyon na

BALIK-operasyon na ang konstruksyon para sa pagawaan ng SteelAsia Manufacturing Corporation sa Batangas matapos matigil ito dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

“The Lemery Works steel plant is of national significance as it will reduce our reliance on imports for important steel products needed for the government’s ambistious infrastructure program,” ayon sa pahayag ni SteelAsia president Benjamin Yao.

Ang SteelAsia na matatagpuan sa Lemery, Batangas ay magiging kauna-unahang pagawaan ng steel beam na may kapasidad na magprodyus ng 1.1 milyong toneladang produkto kada taon.

Ang bagong pasilidad ay may dalawang production lines kung saan isa para sa steelmaking at ang isa ay ang steel section rolling.

Magdudulot ang nasabing steel manufacturer ng mga steel products na gagamitin para sa imprastraktura at  matinding konstruksiyon kagaya ng H-beam at I-beam steel, sheet piles, heavy angles, at channels.

Kasalukuyan namang umaangkat ang bansa ng mga steel products.

Target ng kompanya na simulan ang operasyon ng pasilidad sa Lemery sa taong 2023 na magbibigay ng 1,500 trabaho.

Maliban dito, mag-recycle din ang nasabing pagawaan ng steel scrap para sa exports.

“When you export and process our resources abroad, it is creating jobs in another country. With this new plant, we will recycle our steel scrap here and generate local jobs,” dagdag ni Yao.

(BASAHIN: P900-M, iniwang pinsala sa mga sakahan at pangisdaan sa Batangas dahil sa bagyo)

SMNI NEWS