Konstruksiyon ng moderno at PWD-friendly busway footbridge, sisimulan na ng DOTr

Konstruksiyon ng moderno at PWD-friendly busway footbridge, sisimulan na ng DOTr

SISIMULAN na ng Department of Transportation (DOTr) sa lalong madaling panahon ang pagtatayo ng EDSA Busway Concourse sa bahagi ng SM North Edsa sa Quezon City.

Kasunod ito ng isinagawang groundbreaking ceremony para sa proyekto sa pakikipagtulungan ng SM Prime Holdings Incorporated.

Ang konstruksiyon ng busway footbridge ay magbibigay daan sa mga pasahero upang maiwasan na makipagsiksikan sa MRT-3, makapunta lang sa sakayan sa EDSA carousel.

Tampok sa proyekto ang state-of-the-art walkways, na may iba’t ibang access gaya ng escalators at elevators na moderno at PWD-friendly.

Sinabi ni SM Prime Holdings Incorporated President Jeffrey Lim, maituturing na isang ‘transformative transport initiative’ ang proyekto na magpapagaan sa biyahe ng commuters.

Bukod sa SM North Edsa, maglalagay rin ng EDSA Busway Concourse sa bahagi ng SM Megamall at MOA.

Target matapos ng DOTr ang konstruksiyon sa loob ng 3-6 na buwan.

Ang naturang proyekto ay patunay na may posibilidad na malutas ang problema sa transportasyon kung magtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble