ISINAILALIM sa re-evaluation ang planong konstruksyon ng ang P3-bilyong project na Bataan-Cavite Bridge.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), pinag-aaralan na ngayon ng gobyerno kung kakayanin pa ba ang implementasyon ng proyekto.
Partikular na ani NEDA OIC Usec. Jonathan Uy ang pagkumpira sa dami ng makikinabang at sa kahalagan ng pagkakaroon ng naturang tulay.
Pangalawa aniya dito ay ang malaking pondong kakailanganin para magawa ang proyekto.
Ang naturang proyekto ay target na interlink ng Baranggay Alas-Asin, Mariveles, Bataan at Baranggay Timalan, Naic, Cavite.
Oktubre noong nakaraang taon nang pumirama ng P3.03 bilyong kontrata ang DPWH sa Detailed Engineering Design (DED) para sa Bataan-Cavite Bridge Project sa ilalim ng Build-Build-Build Program ng administrasyon.