Konstruksyon sa pabahay program ni PBBM, full blast ngayong 2023

Konstruksyon sa pabahay program ni PBBM, full blast ngayong 2023

INIHAYAG ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Rizalino Acuzar na magiging full blast ang konstruksyon sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng administrasyong Marcos ngayong taon.

Ayon sa kalihim, inaasahan nitong magsisimula na ang inisyal na construction phase ng ilang pabahay na kumpleto na ang documentary at legal requirements sa unang semestre ng taon.

Kasunod na rin ito ng malawak na suportang nakuha ng programa mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at sektor.

Katunayan, aabot na sa 47 memorandums of understanding ang nalagdaan ng ahensya sa mga LGUs mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Habang 12 groundbreaking activities na rin ang natapos na.

Nagbigay na rin ng commitment ang ilang government financial institutions, kabilang ang Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), Development Bank of the Philippines, Social Security System, Government Service Insurance System at Land Bank of the Philippines para mapondohan ang housing program at matulungan ang mga benepisyaryo nito.

Dagdag ni Acuzar, sa oras na magsimula na ang konstruksyon ng mid at high-rise buildings, posibleng abutin ng hanggang 2 taon bago makumpleto ang mga pabahay.

Inaasahan ng DHSUD na mas lalawak pa ngayong 2023 ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program na siyang flagship housing program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Follow SMNI News on Twitter