Konsumo ng bigas ng Pilipino mas malaki kaysa lokal na produksiyon—Fitch Solutions

Konsumo ng bigas ng Pilipino mas malaki kaysa lokal na produksiyon—Fitch Solutions

INAASAHANG mas tataas pa ang konsumo ng bigas sa Pilipinas kumpara sa lokal na produksiyon nito.

Sa tansiya ng UK-based research company na Fitch Solutions, aabot na sa 6.1M metrikong tonelada ang magiging kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa pagsapit ng taong 2029.

Nakikita nilang hadlang para tumaas ang lokal na produksiyon ng bigas ang limitadong kakayahan ng mga Pilipino sa pagsasaka.

Ang madalas na bagyo na nararanasan ng bansa at ang patuloy na paglaki ng populasyon ay ilan din sa factor o salik kung bakit mas mataas pa ang kinakailangang bigas ng mga Pilipino kumpara sa naabot ng lokal na produksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble