Kontraktor ng mga nasirang rubber bladder ng Angat Dam, posibleng kakasuhan

Kontraktor ng mga nasirang rubber bladder ng Angat Dam, posibleng kakasuhan

IPINAG-utos ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando sa mga contractor ng nasirang rubber bladder ng Angat Afterbay Regulation Dam o Bustos Dam na ayusin na ito.

Ayon kay Fernando, hindi ito magdadalawang isip na kasuhan ang mga sangkot sa naturang usapin kung bigo silang sumunod.

Pinangangambahan din ng Bulacan government na posibleng makaaapekto sa 15,706 ektarya ng palay at gulay sa lalawigan oras na mag-collapse ang rubber gate ng dam kung hindi agad kikilos ang mga contractor.

Hinamon din ni Fernando ang Sangguniang Panlalawigan na magsagawa ng imbestigasyon sa mga pagkukulang ng mga kontraktor sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng Bustos Dam.

Hindi rin aniya pinapansin ng mga contractors ang ilang mga demand letters na kanilang ipinadadala sa pamamagitan ng National Irrigation Administration (NIA).

 

Follow SMNI News on Twitter