Kontrata sa e-sabong operators, pinarerebisa dahil lugi umano ang gobyerno – Cong. Cayetano

Kontrata sa e-sabong operators, pinarerebisa dahil lugi umano ang gobyerno – Cong. Cayetano

MATAGAL nang tutol si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa e-sabong dahil sa masamang dulot nito sa buhay ng mga lulong sa sugal.

Ngunit, ngayong hindi pipigilan ng gobyerno ang operasyon ng e-sabong, patas na revenue sharing ang nais ngayon ng senatorial candidate.

Sa kanyang press conference ngayong araw, inilahad ni Cayetano ang para sa kanya’y hindi pantay na paghahati ng kita kung saan dehado ang gobyerno.

“PAGCOR under their testimony will make P7.68 billion and the operators including the ano will make P18 or P36 billion. So, kung sinasabi ng gobyerno dali lang hindi namin mapigil dahil kailangan namin ng pondo eh bakit hindi sa gobyerno napupunta ang pondo. Bakit hindi sa gobyerno napupunta yung pondo? Bakit doon sa operator napupunta?” ayon kay Cayetano.

‘So ginamit mo yung gobyerno, ginamit mo yung PAGCOR kumuha ka ng license etc. pero ang balato lang ang binigay mo sa gobyerno, ang kita nasa operator,” dagdag ni Cayetano.

Payo pa ni Cayetano na kung hindi ito babaguhin ay maaaring makasuhan ang PAGCOR.

“So again my dear friends in government, specially sa PAGCOR – pls review. I tell you this with all humility. Dadating ang araw na pwede kayong kasuhan ng entering into a contract grossly disadvantageous to government dahil nga lopsided,” dagdag ni Cayetano.

Sa ngayon ay wala pang response ang PAGCOR kaugnay sa pahayag ni Cayetano at bukas ang SMNI na kunin ang pahayag ng kompanya.

BASAHIN: Sen. ‘Bato’ dela Rosa, pumalag sa patutsada ni Gretchen Barretto

Follow SMNI News on Twitter