Kontrobersyal na Blackwater guard na si Paul Desiderio, nagretiro na sa PBA

Kontrobersyal na Blackwater guard na si Paul Desiderio, nagretiro na sa PBA

OPISYAL nang nagretiro ang kontrobersyal na basketball player na si Paul Desiderio mula sa PBA ayon mismo sa Blackwater team owner na si Dioceldo Sy.

Sa kanyang huling full conference sa PBA, may average na 7.4 points si Desiderio sa kanyang 36% shooting, 2.3 rebounds, and 0.9 assists sa 2021 Governor’s Cup bago ito magtamo ng ACL injury noong Hunyo 1.

Matatandaan din na noong Hulyo nang masangkot ang dating UP team captain sa isang kontrobersya matapos itong akusahan ng dati nitong nobya ng physical at emotional abuse.

Pinasinungalingan naman ni Desiderio ang mga alegasyon laban sa kanya at nagsabing handa itong makipagtulungan sa lahat ng ibestigasyon.

 

Follow SMNI News on Twitter