Kontrobersyal na IRM ng PhilHealth, sinuspendi muna

Kontrobersyal na IRM ng PhilHealth, sinuspendi muna

SINUSPENDI ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalabas ng advance releases mula sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng ahensya.

Ayon sa anunsyo ng PhilHealth, sinuspendi muna ng pansamantala ang IRM Funding para sa gagawing evaluation sa sistema nito.

Matatandaan na sa mga ginawang pagdinig kamakailan ng Senado at Kamara hinggil sa mga irregularidad sa PhilHealth, isa ang IRM ng ahensya sa mga  napuna at nakwestyon ng mga mambabatas.

Meron mga alegasyon na may pinapaboran ang PhilHealth sa distribution ng IRM funds.

Ang IRM o ang emergency cash advance ay ginagamit para makapagbigay ng substantial aid sa mga health care institutions sa mga fortuitous event gaya ng COVID- 19.

Nangako naman ang ahensya na aayusin ang sistema ng IRM para ito ay maging mas responsive sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga health care facilities na apektado ng pandemya at upang maibigay sa mga Pilipino ang tuloy-tuloy na access sa serbisyong medikal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.