Kontrol sa mga content ng online streaming platforms, isinusulong

Kontrol sa mga content ng online streaming platforms, isinusulong

NAIS ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na magkaroon ng mekanismo upang makontrol nila ang content sa online streaming platforms.

Bilang tugon nila ito sa mga concern na mayroong mga adult content na nakikita ang mga minor sa online dahil sa kawalan ng regulasyon.

Sa ngayon ay wala pa anila silang hurisdiksiyon sa mga ganitong uri ng content.

Sa kabila nito ay sinabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio na may nakausap na sila kaugnay sa isyu gaya ng video on-demand app na Vivamax at ipinangako nitong makipag-cooperate sa kanila.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble