DUMATING ngayong araw Agosto 5, 2024 ang barko ng Vietnam Coast Guard (VCG) sa Maynila para sa 4-day visit nito sa bansa.
Ang nasabing pagdaong ng VCG CSB 8002 sa Pilipinas ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng dalawang coast guard na palakasin pa ang kanilang kooperasyon at mutual understanding.
Binanggit naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan, na ang pagbisitang ito ay mahalaga para sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng dalawang maritime agency.
Pinangungunahan ni Colonel Hoang Quoc Dat, Vice Commander ang VCG Region 2 na binubuo ng humigit-kumulang 80 tripulante.