Kooperasyon sa mga awtoridad, ipinanawagan ng PNP sa publiko sa opisyal na pagsisimula ng panahon ng Halalan 2025

Kooperasyon sa mga awtoridad, ipinanawagan ng PNP sa publiko sa opisyal na pagsisimula ng panahon ng Halalan 2025

HUMIHINGI ng kooperasyon ang Pulisya sa publiko kasabay ng pagsisimula ng Election Period para sa Midterm Election 2025.

Ito’y dahil sa mas mahigpit na seguridad na kanilang ipatutupad sa ibat ibang panig ng bansa kasabay ng pagpapatupad ng Nationwide Gun Ban.

Ayon sa PNP, dapat unawain at sundin ang mga panuntunang ipinatutupad ng mga awtoridad lalo na sa mga checkpoints para na rin sa kanilang kaligtasan at upang hindi makalusot ang anumang uri ng karahasan ngayong panahon ng halalan.

Sa huli, nangako ang PNP na ipatutupad ang paggalang sa karapatan at privacy ng publiko sa mga nakatagalagang comelec checkpoints sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble