Kooperatiba ng mga mangingisda sa Davao, tumanggap ng P150-K livelihood grant mula sa OVP

Kooperatiba ng mga mangingisda sa Davao, tumanggap ng P150-K livelihood grant mula sa OVP

TUMANGGAP ng P150,000 na livelihood grant ang Davao Gulf Fishermen Cooperative bilang benepisyaryo ng Mag Negosyo ta ‘Day (MTD) ng Office of the Vice President (OVP).

Ang Davao Gulf Fishermen Cooperative ay may 21 na miyembro at nakarehistro sa Cooperative Development Authority.

Nais ng nasabing kooperatiba na magbigay ng access sa abot-kayang frozen products sa komunidad at palakasin ang benta ng frozen fish products upang matulungan ang mga miyembro nito.

Ang MTD ay programa ng OVP na nagbibigay ng livelihood at entrepreneurial opportunities sa mga Pilipino.

Tiniyak ng OVP na patuloy silang maghahatid ng mga programa at serbisyong may pangmatagalang epekto sa buhay ng mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble