Koordinasyon at kooperasyon ng PNP at PDEA, palalakasin

Koordinasyon at kooperasyon ng PNP at PDEA, palalakasin

PAGTITIBAYIN ngayon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang koordinasyon upang maiwasang muli ang pagkakabanggaan sa mga isinasagawang operasyon.

Ito ang naging resulta ng pagpupulong ni PNP Chief Guillermo Eleazar kasama ang ibang senior official at PDEA Director Wilkins Villanueva sa Camp Crame.

Ayon sa hepe ng pulisya, sinasamantala ng mga drug syndicates ang kanilang kahinaan pagdating sa kooperasyon.

 “Illegal drug syndicates are taking advantage on the weaknesses or gaps on coordination and their operations between the PNP and PDEA. Kasama ang PDEA ito ang tututukan natin ngayon para  maiwasan na maulit pa ito. We will on this matter beyond concern why this issue keep recurring ano ba talaga ang problema kaya nga nag-schedule tayo ng meeting with the Director General Wilkins Villanueva kasama ang ibang concerned officers para ito ay mapag-usapan at maayos na,” pahayag ni Eleazar.

Mababatid na nito lamang Biyernes ay muli namang nagkapormahan ang mga miyembro ng QCPD at PDEA.

Sa kabutihang palad ay hindi natulad sa nangyari sa  Commonwealth kung saan nalagas ang apat katao at ikinasugat nang iba pa.

(BASAHIN: Engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at PDEA, iimbestigahan)

Tiniyak naman ni Eleazar na dahil sa mga nangyaring insidente ay mas lalong pinapatibay lang nito ang kanilang koordinasyon at kooperasyon.

 “The two incidents that happened in Quezon City only strengthen our resolve to strike hard on them. Likewise, we will set up features in the rules that would keep our men on the right track so that all their operations will be conducted with regularity and integrity upang sa ganun, ang ating pagkilos kontra iligal na droga ay patuloy na maging agresibo at epektibo,” ayon kay Eleazar.

SMNI NEWS