TINATALAKAY na ng South Korea at Estados Unidos ang plano nilang joint exercises na may kinalaman sa nuclear weapons.
Ayon kay South Korean President Yoon Suk-Yeol, ang gagamiting nuclear weapons ay pagmamay-ari ng Estados Unidos subalit ang pagplano, pagpapalaganap ng impormasyon at training ay gagawin ng dalawang bansa.
Kasunod ito sa pag-anunsyo ni Kim Jong Un ng North Korea na ninanais nilang mapalawak at mapatatag ang sarili nitong nuclear weapons.
Nais din ng North Korea ayon kay Jong Un na magkaroon ng bagong intercontinental ballistic missiles.
Sa kabila nito ay hindi kinumpirma ng Estados Unidos ang nabanggit na anunsyo.