NAGSAGAWA ang South Korea at North Atlantic Treaty Organization (NATO) ng kanilang kauna-unahang military staff-to-staff talks sa Seoul upang palakasin ang kooperasyon nito sa isa’t isa.
Dumalo sa 2 araw na pagpupulong si South Korea Director for Strategy and Plans Major General Kim Su-Kwang at staff na si Maj. Gen Francesco Diella, director ng Cooperative Security Division ng NATO International Military.
Napag-usapan ng dalawang panig ang maraming isyu kabilang na ang direksyon ng military cooperation nito at ipinakilala ang strategic concept sa isa’t isa.
Napagkasunduan din ng South Korea at NATO na magsagawa ng military talks bawat taon.
Ang ikalawang pagpupulong naman nito ay isasagawa sa Brussels sa susunod na taon.
Nagkasundo rin ito na magkaroon ng military to military consultative body para mas lalong masusi ang sitwasyong pang-seguridad sa Korean Peninsula.