Korea, mag-uupgrade ng missile defense operations center

Korea, mag-uupgrade ng missile defense operations center

MAG-uupgrade ng missile defense operations center ang South Korean Air Force sa siyudad ng Seoul.

Ito’y hakbang umano ng bansa para palakasin ang anti-missile shield laban sa lumalagong banta mula sa North Korea.

Ang Korea Air and Missile Defense (KAMD) Operations Center ay magbubukas sa Osan Air Base sa Pyeongtaek ay 60 kilometro sa Timog ng Seoul.

Ang KAMD ay isa sa pangunahing haligi ng three-pronged defense system ng South Korea, kabilang din sa sistemang ito ang Korea Massive Punishment and Retaliation, isang operational plan na kayang tapatan ang North Korea sa isang digmaan.

Ang operations center na ito ay pag-upgrade mula sa nakalipas na Korea Theater Missile Operations Cell, ito ay nagbukas ng dalawang buwan matapos na maging matatag ang sistema noong Abril.

Ang upgrade ay nakapokus sa pagbabawas ng bilang ng oras na kinakailangan para i-proseso ang ballistic missile data at mas pinalakas din ang pakikipag-ugnayan nito upang makapag-detect at makapag-intercept ng assets.

Follow SMNI NEWS in Twitter