Korean Air, ipagpapatuloy ang mga ruta sa Rome at Barcelona sa Setyembre

Korean Air, ipagpapatuloy ang mga ruta sa Rome at Barcelona sa Setyembre

IPAGPAPATULOY ng Korean Air Lines Co. ang pinakamalaking carrier ng South Korea ang mga flight nito sa Rome at Barcelona sa susunod na buwan.

Ito ay habang lumalaki ang demand sa pagbabiyahe sa gitna ng pagluluwag ng travel restrictions.

Magpapatakbo ito ng tatlong flight sa isang linggo sa ruta ng Incheon patungong Rome simula sa Setyembre 1 at tatlong lingguhang flight naman sa ruta ng Incheon patungong Barcelona mula Setyembre 2.

Matatandaan na noong Marso 2020 ay sinuspinde ng Korean Air ang mga flight nito mula Incheon patungo sa dalawang lungsod ng Europa dahil sa pandemyang dala ng COVID-19.

Samantala, noong unang bahagi ng buwan ay ipinagpatuloy ng Korean Air ang mga flight nito patungong Milan at Vienna habang nagsusumikap na ibalik ang European network nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter