INANUNSIYO ni YG Entertainment founder Yang Hyun-suk na magkakaroon ng panibagong kanta ang kanilang newly-debuted girl group na BabyMonster ngayong 2024.
Ayon kay Hyun-suk, ang panibagong single na pinamagatang “Stuck in the Middle” ay ilalabas sa publiko sa Pebrero 1, 2024.
Sinabi pa nito na ang music style ng kanta ay ‘fresh’ at mistulang nasa ‘zero gravity sa outer space’ ang listeners kung makikinig dito.
Samantala, nilinaw ng YG Entertainment founder na hindi sarado ang oportunidad nila para kay Ahyeon na hindi natuloy mag-debut kasama ang BabyMonster noong Nobyembre 2023 dahil sa health issues.