Koreano na sangkot umano sa telephone fraud, huli sa Muntinlupa

Koreano na sangkot umano sa telephone fraud, huli sa Muntinlupa

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang Korean national dahil sa telephone fraud.

Isinagawa ang operasyon sa isang mall sa Muntinlupa City sa pangunguna ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU), CIDG Intelligence Division (ID), Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration (FSU-BI), at Korean Desk.

Sa ulat kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. kinilala ang suspek na si Choi Seung, 36 taong gulang at kabilang sa “red list” ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).

Sa impormasyon na nakalap ng PNP, si Seung ay pinuno umano ng tele scam syndicate na nakakuha ng 215 milyong piso mula sa 800 biktima mula 2015 hanggang 2016.

Tiniyak naman ni General Azurin na laging nakahandang tumugon sa PNP sa mga reklamo lalo na kung may kinalaman sa large-scale fraud.

Makikipag-ugnayan ang PNP sa mga awtoridad sa Korea para sa kaso ng suspek.

Follow SMNI NEWS in Twitter