Korte na nagkansela ng pasok sa trabaho, nadagdagan pa

Korte na nagkansela ng pasok sa trabaho, nadagdagan pa

NADAGDAGAN pa ang nagkansela ng pasok sa ilang mga korte sa bansa ngayong Huwebes dahil sa epekto ng Bagyong Egay.

Batay sa inilabas na anunsiyo ng Supreme Court Public Information Office ay kabilang sa mga walang pasok ngayong araw ay lahat ng mga korte o mga hukuman sa Mariveles Bataan, gayundin sa lahat ng mga korte sa Malolos, Bulacan.

Samantala, sinabi ng Korte Suprema na marami nang mga hukuman sa iba’t ibang panig ng bansa ang nauna nang nagkansela ng operasyon kaya pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga latest update kaugnay sa work suspension at ang anunsiyo ay makikita sa official Twitter account ng Supreme Court Public Information Office @SCph_PIO.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble