Korte sa Hawaii, ibinasura ang currency smuggling case laban sa isang Pinoy church leader

Korte sa Hawaii, ibinasura ang currency smuggling case laban sa isang Pinoy church leader

IBINASURA ng korte sa Hawaii ang cash smuggling case laban kay Felina Salinas, ang lider ng Filipino megachurch na The Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Ito ang inihayag ng US legal counsel ng grupo na si Atty. Michael Jay Green.

 

Dahil dito, abswelto din si Salinas sa pagkabigo nitong pag-report at pagtatago ng US$335,000 at Aus$9,000 na nakita sa suitcase na nasa loob ng jet noong pabalik ang mga ito ng Pilipinas mula Hawaii noong 2018.

 

Kasunod nang pagbasura ng kaso, ay nalinis din ang pangalan ng butihing Pastor na si Pastor Apollo C. Quiboloy

 

Pinabulaanan din nito ang alegasyon na pinoprotektahan ni Salinas si Pastor Quiboloy.

 

Samantala ayon sa butihing Pastor nagbubunyi ang buong Bansang Kaharian sa katagumpayan na tinamo nito.

 

Aniya, malaking tulong ng sinserong panalangin para sa anumang kinakaharap ng bawat isa.

 

Ito naman ang naging pahayag ni Pastor Apollo ukol sa pagkakabasura ng naturang kaso

 

 

Ang tanging kaso na lang ngayon na kinakaharap ni Salinas ay ang maling pahayag nito na sa kanya ang nasabing suitcase.

 

Matapos ang pagbasura sa mga kaso, hindi lalagpas sa 90 araw na probation at home detention ang ipapataw kay Salinas.

 

Si Salinas ay naka-home detention simula nang makasuhan ito noong 2018.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.