Korte Suprema, parang sinampal sa pagpapasok ng ICC

Korte Suprema, parang sinampal sa pagpapasok ng ICC

FLUID kung maituring ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang takbong politika sa bansa.

Subalit, sa panayam ng SMNI News sa butihing senador, binigyang-diin nito na hindi kailanman magbabago ang kaniyang prinsipyo at naniniwala rin siya na maging ang kaniyang kasamahan sa Senado.

Hinggil ito sa plano ng Kamara na papasukin at paimbestigahan sa International Criminal Court (ICC) ang drug war campaign ng Duterte administration.

Sa gitna rin ito ng mga ulat na pinag-aaralan ang muling pagbabalik ng Pilipinas bilang miyembro dito.

Samantala, isang malaking insulto sa Korte Suprema kung hahayaang papasukin sa bansa ang ICC.

Mistulang sinasabi aniya ng Kamara na walang ginagawa ang pinakamataas na Korte ng Pilipinas.

Nitong Nobyembre 21 ay inihain ng Kamara sa Committee on Justice (COJ) ang isang resolusyon na akda nina Manila 6th Distr. Rep. Benny Abante at 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez na nananawagan ng kooperasyon ng gobyerno sa ICC para sa imbestigasyon ng war on drugs noon ng Duterte administration.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble