Korte Suprema, pinayagan si Sen. De Lima na maka-videocall ang kanyang ina

Korte Suprema, pinayagan si Sen. De Lima na maka-videocall ang kanyang ina

PINAYAGAN ng Korte Suprema na maka-videocall ni Senator Lila de Lima ang maysakit nitong ina.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ina ni De Lima na si Norma Magistrado de Lima, 89 taong gulang noong Enero 10.

Pagsapit ng ika-22 ng Enero ng ma-admit ang kanyang ina sa Villanueva-Tanchuling Maternity and General hospital sa lungsod ng Iriga.

Gayunpaman, bandang alas 10:00 ng gabi ng Pebrero 1 nang bumaba ang pulse rate at oxygen ng ina ni De Lima dahilan para maging kritikal ang kondisyon nito.

Sa naging pahayag ng Muntinlupa RTC branch 256 Judge Romeo Buenaventura at Branch 204 Judge Abraham Joseph Alcantara, na bilang humanitarian consideration ay nararapat lamang na pagbigyan ang kahilingan ng senadora na maka-videocall ang kanyang may sakit na ina.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.