TANGING korupsiyon lamang ang nakikitang banta ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa isinusulong na Maharlika Investment Fund.
Ito ang sinabi ni Pastor Apollo, araw ng Martes, sa programa nitong Powerline.
Ani Pastor Apollo, hindi magiging ‘failure’ ang Maharlika Investment Fund kung walang korupsyon.
‘’Ang gawin lang ng ating pamahalaan, i-secure ang Maharlika Fund na ginagawa ninyo, na walang corruption ang mangyayari diyan kundi magiging failure ‘yan. ‘Yan lang naman ang tanging problema sa pera eh, corruption,’’ ani Pastor Apollo.
Kaugnay nito’y pinuna ni Pastor Apollo ang tila walang katapusang pagdinig dahil sa korupsyon.
Ani Pastor Apollo, kailangan ay maging tapat ang mamamahala rito upang hindi magkaproblema.
‘’Yung mga namumuno diyan, yung mga naghahandle niyan very simple itong analogy ko ah, itong aking mga sinasabi. Simple lang, pagnanakaw, corruption, ‘pagka may pera, ‘yun lang ang tanging problema. ‘Pagka ‘yan ay nawala, wala tayong problema. Pagkatapos maging honest sila, nilagay lahat sa proyektong ‘yan, na ang kinalabasan, resulta,’’ saad ng butihing Pastor.
“Ang resulta kinalabasan katagalan, Senate hearing because of corruption. Wala naman nangyari, asan ang pera? ‘yun ang problema. Tapos endless na mga hearing, hearing, hearing, hearing hanggang sa nawala na yung hearing, nawala na rin ang pera. Ang kinalabasan, corruption. Nandun sa bulsa ng mga namamahala. ‘Yun lang ata ang problema diyan sa mga funding na ganyan,’’ paliwanag nito.
Samantala, suportado rin ni Pastor Apollo ang isinusulong na mandatory ROTC.
Ito ay sa kabila ng mga patutsadang ‘prone’ umano ito sa pang-aabuso.
‘’Sino ang mga nagsasalita na ito ay prone to abuses, ito ring mga abusadong CPP-NPA-NDF. Puro rin abuso mga ginagawa nila, look who’s talking,’’ ayon nito.
Suhestyon ni Pastor Apollo, dapat ay alisin ang mga mapang-abusong ROTC officers at ang mga may disciplinary issues sa kanilang army units.
‘’Dito naman sa ROTC, ang pagkakamali lamang nila doon, ang inassign na military diyan ay yung mga abusador na may mga disciplinary issues sa kanilang mga army units,’’ ayon kay Pastor Apollo.
Dagdag ni Pastor Apollo, hindi solusyon na alisin ang ROTC. Aniya, napakaganda ng ROTC lalo na para sa mga kabataan.
‘’Pero kaltasin mo at alisin mo ang ROTC, hindi. Dapat ipagpatuloy and we will solve those abuses by putting mga totoong mga military na namamahala na hindi abusador na walang issue doon sa kanilang mga units, hindi mga loko, hindi mga sira ulo,’’ saad nito.
‘’Pero ang ROTC, napakaganda. It makes all our young people love the country, be patriotic and defend the country in times when the country needs us and needs our young people,’’ dagdag nito.