KP.2 variant ng COVID-19, na-detect na sa Pilipinas

KP.2 variant ng COVID-19, na-detect na sa Pilipinas

NA-DETECT na sa Pilipinas ang KP.2 at dalawa pang hiwalay na Omicron subvariants sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pinakalatest na sequencing ng Philippine Genome Center, tig-dalawang kaso ang KP.2 at JN.1.18 variants; habang 30 kaso ang JN.1.

Partikular na ang collection date ng KP.2 o “flirt” variant ay nitong buwan ng Mayo ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo.

Binigyang-diin lang ng DOH na walang dapat ikabahala dahil nananatiling mababa ang kaso ng virus sa bansa.

Hindi rin napatutunayan na sanhi ng severe o critical COVID case ang KP.2 o KP.3 variant.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble