MAAAPEKTUHAN ang kredibilidad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kapag muling ibabalik nito ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).
Ito ang sinabi ni dating presidential communications secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles sa panayam ng SMNI News.
Ani Angeles, baka magkaroon ng political fallout si Marcos Jr.
Una nang sinabi ng Department of Justice na naghahanda ito para sa gagawing legal briefing kay Pangulong Marcos Jr. sa posibleng legal na hakbang sakaling magpasya ang ICC na arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang rin dito ayon sa DOJ ang posibilidad ng muling pagsali ng Pilipinas sa ICC.
Matatandaan na noong March 17, 2019 ay binawi ni dating Pangulong Duterte ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa ICC sa kadahilanang gumagana ang justice system ng bansa.