Kris Bernal nagpasaklolo sa NBI matapos nabiktima ng mga pekeng online food order

Kris Bernal nagpasaklolo sa NBI matapos nabiktima ng mga pekeng online food order

NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Kris Bernal matapos mabiktima ng mga pekeng online food order gamit ang kanyang pangalan.

Sa isang pahayag iginiit ng aktres na ginawa niya ang naturang hakbang upang mabigyan ng hustiya hindi lamang ang kanyang sarili kundi pati na rin sa grab drivers na ginawa lang ang kanilang trabaho.

Ayon pa kay Kris makukunsidira lang sana nito na simpleng abala kung siya lang ang nabiktima subalit biktima at apektado rin dito ang driver at ang kanyang ina.

Nabatid na bukod sa aktres ay mayroon narin umanong iba pang showbiz personalities ang nabiktima.

SMNI NEWS