MATAPOS na lumagda sa isang entertainment agency sa South Korea ay lumabas na sa una niyang TV appearance ang aktres na si Kristel Fulgar.
Makikita sa kanyang pinakahuling vlog na lumabas si Fulgar sa hindi pa pinapangalanang Korean TV show kung saan ito naging guest kasama ang iba pang Korean influencers.
Bagaman kinokonsidera ni Fulgar ang experience bilang fun at memorable, inamin nito na hindi pa ito handang pumasok sa entertainment industry sa Korea.
Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang nang ihayag ni Fulgar na lumagda ito ng kontrata sa Five Stones Entertainment upang makakuha ng working visa sa South Korea.