LAYUNIN ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) na pangalagaan ang moral decency ng mga Pilipino.
Ito ang binigyang-diin ng legal counsel ng KSMBPI na si Atty. Mark Tolentino kasunod sa sunud-sunod na mga personalidad na kanilang kinasuhan kaugnay sa paglabag sa Article No. 201 ng revised penal code ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nilinaw ni Atty. Tolentino na ang “freedom of expression” na sinasabi ay may limitasyon at paglabag na dito ang mga bagay na nakasisira sa mindset ng isang indibidwal gaya ng X-rated videos.
Kaugnay rito, binigyang-diin ng abogado na magsisilbi silang watchdog sa social media kontra sa ganitong uri ng mga content.
Kasama sa mga nasampolan ng KSMBPI ang personalidad gaya nina Angeli Khang, Vice Ganda at Ion Perez maging si Toni Fowler.
Nakatakda namang sampahan ng kaso sina AJ Raval, Ayana Misola, at Azi Acosta.