Kulang kami sa panahon sa impeachment vs. VP Sara Duterte—Cong. Joel Chua

Kulang kami sa panahon sa impeachment vs. VP Sara Duterte—Cong. Joel Chua

MAY inamin ang chairman ng komite sa Kamara na nag-iimbestiga kay VP Sara Duterte kaugnay sa impeachment case laban sa bise.

‘Ang concern ko kasi diyan, impossible pa because of time,’ ayon kay Rep. Joel Chua | Chairman, House Blue Ribbon Committee.

Napa-real talk na lamang si House Blue Ribbon Chairman Joel Chua sa isang panayam ng media sa Kamara kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang komite ni Chua ang nag-imbestiga sa isyu ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education —kung saan dating secretary si Vice President Duterte.

May dalawang impeachment cases nang naisampa sa Kamara laban sa bise.

Habang may nakaumang na ikatlong impeachment case laban sa opisyal—lahat ng ito ay inihain ng mga kalaban sa pulitika ng mga Duterte.

Pero sa tanong kung may sapat na panahon pa ba para talakayin ang impeachment complaints ngayong paparating na ang eleksyon?

Ito ang pag-amin ni Chua.

‘We have to face reality, by next week ang next year by February, anon a national campaign na—by March local campaign,’ saad ni Chua.

Kailangang pumirma ng 1/3 o mahigit sa 100 ng mga kongresista sa impeachment para madala agad ito sa Senado.

Kung sasablay sila sa signature campaign, mapipilitang idaan ang reklamo sa House Committee on Justice.

Ang Justice Committee ang susuri kung sufficient in form and substance ang impeachment complaint.

May 60 session days ang komite para isumite sa plenaryo ang kanilang findings.

Pero ayon kay Congressman Chua, kahit nga quorum sa mga pagdinig ay pahirapan na ngayon dahil panahon na ng pangangampanya.

Local position ang pagiging Congressman kaya kailangan nilang magbabad sa distrito para sa operation pakilala.

‘Kami nga ngayon nahihirapan ako mag-muster ng quorum because of the several of the invitation activities of the members diba? Mahirap makakuha ng quorum,’ saad nito.

Pag-aaralan naman ni Chua kung pipirma ito sa impeachment resolution laban kay VP Sara.

Mensahe naman ni dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa Kamara.

Panelo sa Kamara: Pinagkaisahan nila si VP Sara pero natataranta pa rin sila?

‘Ewan ko ba natatawa nalang ako. Ba’t ka hindi matatawa? May impeachment, may demanda—hindi na nga nila malaman kung anong gagawin nila eh? Pinagkaisahan nila pero natataranta pa rin sila?’ ayon kay Atty. Salvado Panelo Former Presidential Legal Counsel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble