KAKULANGAN sa pondo ang rason kung bakit delayed ang release ng stipend o allowance ng undergraduate scholars.
Ayon kay Department of Science and Technology-Science and Education Institute (DOST-SEI) OIC Albert Mariño, hindi pinagbigyan ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang request para sa karagdagang appropriations o pondo.
Sinabi naman ni DOST Sec. Renato Solidum Jr., minsan ay nangyayari ang delay dahil hindi agad nakakapagsumite ang mga mag-aaral ng kanilang grades kung kaya’t hindi mairelease ang kanilang allowance.
Ang kasalukuyang undergraduate students ng DOST para sa Academic Year 2024-2025 ay aabot sa 46,234.
Ang bawat isa ay may monthly stipend na P8-K at tuition fee grants na aabot sa P40-K bawat taon.