INIHAYAG ni Philippine Health Insurance (PhilHealth) Corporation President Dante Gierran na hindi lamang pagkukulang ng PhilHealth kung bakit may mga pagkakautang pa ito sa mga opsital.
Ani Gierran, ito ay dahil ilan sa mga health care providers ay nagsusumite ng kulang ng mga requirement kung kaya’t hindi maproseso at ma-release ang claims.
Ito ang inihayag ni Gierran sa regular press briefing ng Malacañang.
“Kasi kung minsan, ‘yong mga applications nila ay mga deficiencies, not all claims are good claims kasi kulang ang signature, kulang ang data,” pahayag ni Gierran.
Ani Gierran, oras na hindi sapat ang mga requirement na ipinasa ng mga health care provider, ibabalik ito muli sa kanila at dapat makumpleto muna.
Samantala, inihayag ni Gierran, umabot na sa 13 mga opisyal ng PhilHealth ang kasalukuyang sinuspinde dahil sa utos na rin ng pangulo na imbestigahan ang ahensiya.