IPAMAMALAS ngayon ng China ang kanilang kultura at mabuting kaugalian sa ilang piling mga kababayan natin sa isang friendly visit.
Matindi ngayon ang init ng panahon sa China dahil summer season.
Lalo na sa capital ng bansa sa Beijing.
Araw ng Martes, Hunyo 27 nang magtungo ang Philippine media delegation sa Palace Museum.
Nakatayo ang museo sa loob ng Forbidden City o ang Imperial Palace ng China.
Itinayo ito noong ika-15 siglo, sa panahon ng Dinastiyang Ming, at itinuturing itong pinakamalaking Palace Complex sa buong mundo.
Ito ay nagsilbing tahanan at opisyal na residensiya ng mga emperador ng Tsina mula sa Dinastiyang Ming hanggang sa huling Dinastiyang Qing.
Bahagi ito ng friendly visit namin na inisponsoran ng Chinese government.
Layon ng pagbisita na makilala pang lalo ang kultura nila.
“So we are neighbors, and we are partners and we are friends. We would like to have an even stronger, China-Filipino relationship,” pahayag ni Sun Weidong, Vice Foreign Minister, People’s Republic of China.
Kasama namin sa delegasyon si Usec. Gerald Baria ng Presidential Communications Office na nagpaabot naman ng pasasalamat mula sa Philippine government.
“On behalf of the Philippine delegation, we would like to thank the Chinese government and the Chinese embassy in Manila for giving us the opportunity to do this 10-day trip to some of the most famous heritage sites in China,” saad ni Usec. Gerald Baria, Philippine Presidential Communications Office.
Saad naman ni Vice Foreign Minister Sun, mahalaga sa kanila ang people-to-people exchange lalo na sa mga kaibigang Pilipino.
At sa patuloy na pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at China.
“We would like to promote our friendship through the work of the media and also your introduction of a true China to the Filipino friends,” dagdag ni Weidong.
Kasama naman sa schedule ang pagbisita sa mga tanyag na lugar sa China.