Kultura ng korupsiyon sa bansa, tanggalin na — Pasig City Mayor Vico Sotto

BAGAMAN nagpapasalamat si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagkilala ng pamahalaan ng Estados Unidos sa kanya bilang “anti-corruption champion,” sinabi nito na umaasa siyang makatutulong ang kanyang natanggap na karangalan upang matigil ang korupsiyon sa bansa.

“If we want better long-term governance, we need to fight corruption. We have to denormalize it, get it out of our culture,” ayon sa Twitter post ni Sotto.

Noong Martes nang igawad ng US Department of State kay Sotto ang titulo nitong Anti Corruption Champion kasama ang 11 pang lider mula sa ibang bahagi ng mundo dahil sa kanilang pamamalakad, tapang, at impluwensya sa pagpigil at paglaban sa korupsiyon.

Si Sotto ang tanging Pilipino na nakatanggap ng nasabing parangal.

SMNI NEWS