Kumakalat na balota sa New Zealand na wala ang pangalan ng isang presidential candidate, fake news – COMELEC

Kumakalat na balota sa New Zealand na wala ang pangalan ng isang presidential candidate, fake news – COMELEC

PINASINUNGALINGAN ni COMELEC Commissioner George Garcia ang mga report na wala ang pangalan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa isang balota sa New Zealand.

Sa isang panayam, tinawag ni Garcia na fake news ang insidente.

Ayon kay Garcia, inimprenta ang mga balota ng by batch kaya dapat mayroong maraming reklamo kung sakaling totoo ang mga paratang.

Giit niya, naglabas ng pahayag ang Philippine Embassy sa Wellington na walang Pilipino ang nagtungo sa kanilang opisina upang ireklamo ang kakulangan ng pangalan sa balota.

Kaugnay nito, sinabi ni Garcia na iimbestigahan ng Task Force against Fake News ng COMELEC ang usapin habang tatalakayin din aniya nila ito kasama ang National Bureau of Investigation.

BASAHIN: COMELEC, magsasagawa na lamang ng presidential at vice presidential interview

Follow SMNI News on Twitter