TATLONG buwan na ang nakalipas nang maghamon si Vice President Sara Duterte na magpa-drug test ang lahat ng mga kongresista at kakandidato para sa 2025 Midterm Elections. Pero sinu-sino na ba ang mga kumasa sa hamon ng bise?
‘’Let us make this an election issue. Dapat lahat ng mga yong guns na kakandidato, lahat ng mga congressional candidates ay magpa-drug test. Ngayon na magpadrugtest tayong lahat,’’ ayon kay Vice President Sara Duterte.
Iyan ang hamon ni Vice President Sara Duterte tatlong buwan na ang nakalilipas sa mga kongresista at mga kumakandidato ngayong halalan.
Higit isang buwan matapos niyan ay hinamon naman ng bise ang mga nagtatrabaho sa Office of the President, sa Senado, at sa lahat ng ahenysa ng gobyerno na sumailalim din sa drug test.
Pero sinu-sino na ba ang kumasa sa hamon ng pangalawang pangulo?
Kabilang sa mga nagpa-drug test ay ang kaniyang kapatid na si Davao City First District Representative Paolo Duterte.
Nagpa-drug test din ang makakalaban ni Congressman Pulong sa eleksyon bilang representante ng unang distrito ng Davao si PBA Party-list Representative Margarita Migs Nograles.
Nag-negatibo ang resulta ng hair follicle drug test ang dalawa.
Sumailalim din sa hair follicle drug test ang nominees ng Epanaw Sambayanan Party-list.
Kabilang sa mga nagpa-drug test ay sina Atty. Marlon P. Bosantog, dating Presidential Communications Undersecretary Dr. Lorraine Badoy, at dating kadre na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz.
Kumasa rin sa hamon si Las Piñas congressional aspirant Barry Tayam at nag-negatibo rin ang resulta.
Ilang buwan na lang ay eleksyon na.
Muli na naman tayong pipili ng mga uupo sa mga posisyon sa gobyerno.
Pero sino pa kaya ang mga matatapang na sasailalim sa drug test at papatunayan sa taumbayan na sila ay karapatdapat na pagkatiwalaan?