Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Davao Region, umabot na sa 6

UMABOT na sa 6 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Davao Region.

Batay sa datos mula sa Davao Region, 5 sa mga confirmed cases ang naka-confined at isa ang nakarekober na.

Nasa 141 naman ang bilang ng mga patient under investigation (PUI) sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 9 ang nasawi kung saan 4 dito ay nagnegatibo sa COVID-19 habang hinihintay pa ng Davao health workers ang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng 5 pang PUI na nasawi.

Nasa 71 naman na PUI ang naka-admit at 61 ang na-discharged na.

Habang nasa 10, 361 ang person under monitoring (PUM) kung saan 6, 771 ang under observation at 3, 589 ang na-cleared na.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.