NAGPALABAS na ng warrant of seizure and detention si Bureau of Customs (BOC) Port of Batangas District Collector Ma. Rhea Gregorio laban sa mga asukal para tuluyan nang makumpiska ang tinangkang ipuslit na mga asukal.
Ito ay dahil lumabag umano ang kontrabando sa section 117 at section 1113 ng Customs Modernization and Tarrif Act, in relation to the Department of Agriculture- Sugar Regulatory Administration and Bureau of Plant Industry Rules and Regulations and R.A. 10845, o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 and Food Safety Act of 2013.
Nitong nakaraang Sabado ay nasabat ng BOC-Port of Batangas ang barkong “MV Sunward” na may kargang 4,000 metric tons ng Thailand white refined sugar, makaraang dumaong sa Philippine Contiguous Zone na walang notice of arrival.
Batay naman sa pakikipag-ugnayan ng BOC ay nadiskubre din mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na ang naturang kargamento ay walang import permit ang 80,000 sako ng mga asukal.