SAKOP ng ‘Libreng Sakay’ ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo.
Ito ay batay sa inilabas na guidelines ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa libreng sakay ng mga estudyante ngayong pasukan.
Inabisuhan din nito ang mga mag-aaral na ipakita lamang sa passenger assistance booth ang kanilang mga school ID at enrollment form upang mabigyan ng ticket.
Nilinaw rin ng LRTA na ang mga kumukuha ng master degree ay hindi sakop ng nasabing programa maging ang mga guardian o magulang na maghahatid ng kanilang mga anak sa paaralan.
Ang ‘Libreng Sakay’ ay magsisimula sa Agosto 22-Nobyembre 5.
Tiniyak naman ni LRTA administrator Hernando Cabrera na mabibigyan ng fare discount ang mga mag-aaral pag matapos ang ‘Libreng Sakay’ program.