BINIGYANG-diin ni Greco Belgica, dating chairman ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC), ang kawalan ng hustisya sa sitwasyong nararanasan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na aniya’y nagiging babala rin sa maaaring mangyari sa karaniwang tao.
“Nakita natin na inabuso ang buhay at pagkatao ni Pastor Quiboloy.”
“Binuksan ulit ‘yung kasong patay na at na-dismiss na. Pinasok ang isang religious compound na walang tamang search warrant.”
“At ngayon, patuloy siyang iniipit, nakakulong kahit hindi pa naman napapatunayan ang ibinibintang na krimen. May pagkakataon pa, ayon sa batas, na ipagtanggol niya ang kanyang sarili.”
“Kung kaya nila itong gawin sa isang katulad ni Pastor, mas lalong kaya nila itong gawin sa kahit sino sa atin
na ordinaryong tao,” pahayag ni Greco Belgica, Former Chairman, Presidential Anti-Crime Commission (PACC).