GIIT ngayon ni Cong. Isidro Ungab, 3rd District, Davao City na lahat ng figures sa General Appropriation Act (GAA), galing sa bicam report. Kung may blanko aniya sa bicam report, paanong naging kumpleto na ang figures sa GAA?
“Bakit napirmahan at naratipikahan na maraming blanko? ‘Yung sinasabi nila na ‘Kumpleto naman ‘yung ang nasa GAA.’ Yes, complete ang figures sa GAA.
Ang tanong, saan niyo binase ‘yung nasa GAA? Lahat ng figures sa GAA, galing ‘yan sa bicam report. Kung may blanko sa bicam report, paanong naging kumpleto na ang figures sa GAA?” pahayag ni Cong. Isidro Ungab, 3rd District, Davao City.
Follow SMNI News on Rumble