SINABI ni Ka-Ado Paglinawan na isang political analyst, kung si VP Sara Duterte ang i-impeach dahil sa confidential funds, mas lalong dapat unahin ang pangulo dahil ang confidential funds na ‘yan ay galing kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Napakalawak ng ating problema dahil tingnan niyo, ‘yung tatlong ipinayl na kaso, wala naman doon, puro tsismis lang. Anong problema ang ginawa ng ating pangalawang pangulo? Wala. Ilang buwan nilang ginurgur sa Quad Comm para ipakita na masamang tao siya.”
“Kung si Sara Duterte ang i-impeach dahil sa confidential funds, mas lalong dapat unahing i-impeach ang ating pangulo, dahil ang confidential funds na ‘yan ay galing kay Ferdinand Marcos Jr.,” pahayag ni Adolfo ‘Ka-Ado’ Paglinawan, Political Analyst.