Kuryente-tipid na aircon na kaya ring pumuksa ng mga sakit, handog ng Panasonic

Kuryente-tipid na aircon na kaya ring pumuksa ng mga sakit, handog ng Panasonic

NITONG Biyernes, ipinakilala ng Panasonic ang kanilang bagong aircon product line-up na energy efficient dahil sa gamit nitong inverter technology.

Mas maayos na mamo-monitor ang kuryenteng nagagamit ng mga aircon na ito araw-araw, linggo-linggo, o taon-taon sa tulong ng Comfort Cloud App at Inverter Calculator ng Panasonic.

With our inverter technology, together with our… ‘yung application na iyon, mas malalaman ng ating consumers kung magkano ‘yung target o ‘yung ideal na matitipid nila,” ayon kay Paolo Bagamasbad, Product Trainer, Panasonic Aircon PH.

“Ito pala na araw na ito is medyo malaki ‘yung consumption ko, so dapat medyo magtipid-tipid gamit ang app na iyon. ‘Yun ‘yung nakakatulong, ‘yung app na iyon,” dagdag pa nito.

Gamit din ang Comfort Cloud App at WiFi technology, maaaring mapagana ang Panasonic aircons tulad na lamang kung ikaw ay pauwi ng iyong bahay at nais mo nang palamigin ang paligid.

“Gusto kasi ng consumers natin na pag-uwi ng bahay dahil pagod sa trabaho, pagod sa biyahe malamig na ‘yung paligid, malamig na ‘yung kwarto,” ani Bagamasbad.

“’Yung Panasonic Comfort Cloud App, ‘yun yun. Pwede mo na siyang kontrolin kahit wala ka sa bahay,” paliwanag pa nito.

Dinisenyo rin ng Panasonic ang mga aircon na ito na may kakayahang maglinis ng hangin gamit ang Nanoe X Technology.

Ibig sabihin bumubuga ang aircon ng aabot sa 48-T na Hydroxyl radicals o isang natural detergent na pumupuksa ng pollutants, virus, at bacteria.

Dahil dito mapro-proteksiyunan ka rin sa mga sakit.

“’Yung aircon natin ay mayroon na siyang miniminal na clinic pero binibigyan pa tayo ng protection against sa mga sakit. Mayroon na tayong latest sa Japan na E-coli, H1N1. And then proven and tested na rin tayo na nakakapag-inhibit siya ng COVID,” saad ni Bagamasbad.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Panasonic na patuloy silang magde-develop ng mga makabagong produkto na makatutulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

“I can promise. I promise that Panasonic provides the best aircon products for the Philippines. And we can contribute to develop Filipino lives. We are always supporting, contributing to the Filipino people through our products,” ayon kay Kazuya Higami, President, Panasonic.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble