UMABOT sa 62.69 megawatts ang kuryenteng natipid ng bansa dahil sa kolektibong paglahok ng Pilipinas sa Earth Hour noong Marso 25.
Ito ang ibinahagi ng Presidential Communications Office batay na rin sa tala ng Department of Energy (DOE).
Kaya naman, patuloy na hinihimok ng DOE ang bawat mamamayan na isagawa ang mga kaukulang hakbang sa pagtitipid ng kuryente sa kani-kanilang mga tahanan.
Mababatid na nakiisa rin ang Malakanyang sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Earth Hour noong Sabado ng gabi mula alas-8:30 hanggang alas-9:30, bilang pagsuporta sa ginagawang laban ng mundo kontra climate change.