Kuwestyonable at kaduda-duda ang paghuli kay FPRRD—Rep. Rodante Marcoleta

Kuwestyonable at kaduda-duda ang paghuli kay FPRRD—Rep. Rodante Marcoleta

SINABI ni Sagip Party List Representative Atty. Rodante Marcoleta, na kung walang warrant of arrest at nasa ilalim lang ng red notice ng ICC o Interpol, kuwestyonable at kaduda-duda ang dahilan ng paghuli kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon pa kay Marcoleta na nakakalungkot ang mga pangyayari dahil maraming mga Pilipino ang dumadakila sa dating pangulo ng bansa dahil marami itong nagawang mabuti para sa bansa at mamamayan.

Ipinaliwanag ng kongresista na ang paraan ng dating pangulo sa pagdurog sa mga gumagamit ng ilegal na droga ay pamamaraan ng isang pangulo upang isagawa ang alam niyang ikabubuti para sa kaniyang bansa.

“Siya lang makapagdesisyon niyon at siya lang pwedeng gumawa dahil siya ang pangulo ng bansa,” pahayag ni Atty. Rodante Marcoleta, Sagip Party-List Representative.

Kung mali umano ito para sa iba, nasa kanila iyon pero ang Pangulo ay malaya sa kaniyang gagawin dahil siya ang nakakaalam sa kabutihan para sa kaniyang mamamayan.

Iginiit din ni Marcoleta na hindi pwede mag-issue ng warrant of arrest ang ICC dahil wala pang ipinadalang complain laban sa dating pangulo.

Hindi aniya ito magandang patakaran dahil magdudulot lamang ito ng pag-aaway at pagkabaha-bahagi sa ating bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble