Kwalipikasyon ng bagong PhilHealth Chief, dapat marunong magbantay sa kaban ng bayan

Kwalipikasyon ng bagong PhilHealth Chief, dapat marunong magbantay sa kaban ng bayan

INIHAYAG ng Malakanyang na ang kwalipikasyon ng isang bagong tagapamuno o chief ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay kailangang magaling ito sa pagbabantay sa pera ng bayan.

Ang pahayag ay makaraang magsumite na ng kanyang resignation letter si retired General Ricardo Morales.

Ayon Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mahalaga na marunong itong mamamahala sa ahensya o may kasanayan sa pamamalakad ng isang tanggapan o managerial skills ang sinumang maging bagong PhilHealth Chief.

Sinabi pa ni Roque na dapat malinis at walang bahid ang pagkatao, dahil kung hindi ay talagang mauubos ang resources ng ahensya bunsod ng personal na interes.

Inilahad pa ng tagapagsalita ng Palasyo na bago magbitiw sa posisyon si Morales, hindi pa natutukoy ang may kaugnayan sa kung sino ang maaaring ipalit na bagong hepe ng PhilHealth.

Mababatid na binigyang diin ng Malakanyang na zero tolerance ito pagdating sa isyu ng korupsiyon.

Una rito ipinasa ni Morales ang kanyang pagbibitiw sa posisyon nitong Miyerkules, na kinumpirma naman ng Palasyo at Senator Christopher “Bong” Go.

Kung maalala ibinunton ng mga whistleblower kay Morales ang sisi sa pag-apruba ng mga overpriced na IT system at ang pagbibigay ng pondo sa mga pinapaborang ospital.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.